Friday, November 7, 2008

Lines of the Times:))

Hindi ako maka-get over.
Tama. Hindi talaga ako maka get-over sa comm. na yan. Pahirap sa buhay. Parang Smart Bro (Oo. Sorry na kung lagi kitang nasisisi. Ginatungan pa kasi ni Mike eh.haha). Kailangan properly documented ang mga bagay bagay. Kulang na lang pati mura…
“Taena kang hayup ka ah! Pakshet! Potek. Gagu ampota!” (Rivera,2008).
Kaya para na rin sa ikatatahimik ng kaluluwa ni Cynthia, (ang uberly obsessed sa parenthetical citation na prof naming sa comm.) minarapat ko na lang din lagyan ng parenthetical citation ang linya ng mga pinakamamahal kong kaibigan na nilikha ng Diyos upang makatulong sa aking gulong isipan. (whew! Lalim)
P.S: Yung iba jan, lalo lang akong inaning:))


“Hindi ko alam kung bakit hindi ako kayang mahalin ng gagon yun eh,” (Pilpa, 2008).

Sinabi nya yan sakin isang gabi nung magka-chat kami. Madaling araw na pala yun kaya ganun ang usapan. Ayun. As usual. Lablayp ang usapan. Eh meron syang crush-turned-love one na gustong gusto nya mula 2nd year pa kami. Oha! Same case! ‘Lam mo Pilpa, yan din ang tanong sa aking isipan dating dati pa eh. Bakit kaya hindi ako kayang mahalin ng gagong (ungas na kupal, self-conceited, egoist, jerk, dork) yun? Tsk2. Bad Boy. “Ganon ba ko kapanget?” (Betty La Fea, 2008). BUti pa, tayog dalawa na lang kaya? Haha.

“Ano ba yan? Lagi ka na lang pinaghihintay ng lalaking yan ah!” (Elefante, 2008).

Yan naman ang reaksyon ni pareng Mike matapos kong ikwento sa kanya ang aming masalimuot na pagkikita ni..(alam nyo na). Salamat sa paalala. Tama. Nakakalimutan ko nga ata lagi na lagi na lang akong pinaghihintay. Pero hindi naman tunog galit sya. Basta tamang comment nya lang yun. Sabi ko naman, ayos lang maghintay, basta may soundtrip:)) (konek? Haha).

“Oi. Nakita ko si Herome kanina. Nakasabay ko sya sa bus. Kaya lang pababa na kami ni Randi nung napansin ko. Haha. Alam kong magrereply yung iba jan, Herome eh. Haha” (Panlilio, 2008).

Ayan naman ang text ni John Paul kagabi sakin. At ngeffort pa talaga syang i-update ako. Pero tama sya. Ngreply nga ako… “Sinong Herome? Di ko ata kilala yun?” Eh Gabi na nya sinend yun..malamang sabog na si parekoi. Wrong send ata sya. Hahaha. (pero joke ko lang yun.) Syempre tinanong ko kung bakit ang aga ata ng pasok ng mga mag-aaral sa Maynila? Ikaw, lam mo ba kung bakit? Hindi ko rin alam eh :p *iniiba ang topic*

“NAku. Paasa talaga. Anyhow, mag-move on ka na, gurl.Maghanap ka na lang ngiba. Maghanap ka na lang ng bagong inspiration.Sa up? Madami naman dun diba. wala mangyayari sa inyo nyan,” (Cabuenas, 2008).

Nakakatwa. Pang ilang tao na rin si Coritha sa nagsabi nyan. At pang-ilang libong beses na rin akong ngtangkang sundin ang kanilang payo… ngunit. .. Sa Up pa daw eh noh? Kanino? Wala na si Marius! Si Dino ay aalis na rin. At going strong naman si Adriel at Lugs! Kay Mark na lang kaya? Haha. Pero Alam na. At alam na rin na yan na ang huling paguusap namin. Leche. *check.op*

“Bawas bawasan mo nga ang intake ng ampalaya! Ang bitter mo eh!” (Solomon, 2008).

Dito ko narealize na bagay nga kay Karen ang Kraning. Aning eh. Bitter???!! Ako??!! Hello! Kanino naman ako magiging bitter? At bakit naman? Sabi ko lang naman na gagawin kong mushroom burger yung kabuteng pasulpot sulpot sa featured friends sa fs account nya(kilala nyo na)eh. At sabi ko lang naman na paguntugin ko silang dalawa eh. In Fact, SUPEERRRRR bagay pa nga sila di ba? Parehas pa sila ng “pgtatypE ng mga saLita,.” Tsk2. Ok lang naman talaga eh. Atleast may bahid pa rin ng (lanie) nyak. O anong bitter dun???!!! Walang halong sarcasm at ka-plastikan yun ah! Halata naman di ba? Kaya walang bitter!! WWAAAALLLAAA!!!!!!!!

“Akala ko ba Goodbye forever??!!! Ayos ka ah. Define forever? 24 hours???!!! (Solomon, 2008).

Hay. Wag kang mag-alala. Ako rin naaning sa bagong definition ng Forever eh. Pero tama ka. Hindi ko pala talaga kaya. Nakikita ko na lamng ang sarili ko na kinakati ang kamay upang mgtext. Haha. Lalo akong mababaliw nito. Haha. Pero teka nga???!! bakit ba kailangan kong mag-explain? Eh nakuha ko lang naman yung artikulong iyon na sinalin ko sa ingles upang lalong maging madrama sa Kule eh. (Mike oh! Ayaw nyang maniwala!!!) Its for no one, you see? Haha. *nagjojoke uli*

“Hindi tayo magkaintindihan eh. Puro tayo pahangin. Malabo,” (Sena, 2008).

Yan naman ang nasambit ng aking kaibigang si Herome nung isang gabing mgkachat kami. Hindi ko na maalala kung pano dun napunta ang usapan. Naaning na ko ng mga panahong yun sapagkat 5 silang ka-chat ko habang nililingon kung gising ba ang tatay ko (sapagkat takas lamang ako nun). Hindi nga siguro kami magkaintindihan, kaya siguro KAIBIGANG HEROME na lamang. (wow. Bumanat pa.). Pero nais kong linawin na hindi ako pahangin. At hindi ako ang Malabo. Sya yun. Kaibigang Herome, ikaw un. *grin*

“Wag mo syang sanayin na ok lagi kahit hindi, “ (Elefante, 2008).

Sa chat din ang usapan naming yan ni Mike. AS usual, in-update ko sya sa aming muling pagkikita ni (alam nyo na uli siguro) nung nov5, After ng enrolment. At tinanong nya kung nag-dine daw ba kami. Sinabi ko naman na hindi na kailangan sapagkat ngmamadali sya at may pupuntahang debut (sapagkat pangarap nya atang maging politiko at lahat na lang ng events ay pinupuntahan.). Sabi ni Mike, bakit daw ganon? Haha. Dapat daw kumain kami. Ayos. Pwede ng maging event coordinator si Mike. Sabi ko naman na ayos lang yun. “lagi naming ok basta sya, dib a?” (Rivera, 2008). At yun ang sinabi ni Mike… Wag mo syang sanayin na ok lagi kahit hindi. Shoutout ko nga dapat yan eh. Kaya lang mas malupit ang sumunod nyang linya…

“Maihahalintulad ko ang smartbro sa isang pa-fall na tao. akala mo mabilis xa, pag tumagal babagal....parang sa pa-fall na tao, akala mo mahal ka niya yun pala hindi..pareho silang paasa pero joke lang pala" (Elefante, 2008).

Naiintindihan ko si Mike. Dala lang yan ng galit nya sa Smart Bro. Hanggang ngayon ata, hindi pa sya nakakamove-on. Andami nyang galit sa buhay. Galit sa Smart Bro, Galit sa PLDT, Galit kay Gerald…pero hindi halata. Lagi kasi syang naka-smile *wink*. Sa chat nya uli yan sinabi sakin…seryoso ata sya nun? Sabi nya pa, idagdag ko daw yung line na ”pareho silang paasa pero joke lang pala” para daw mas maganda. May karugtong pa nga yan eh… “Si jerome ba, paasa?” kaya lang, syempre…bawal ilagay sa shoutout. Yari ako neto ng bonggang bongga.Sabi nya pa,wag ko daw sabihin na galing sa kanya. Kunwari daw ako na lang ang nagsabi.Eh? Hindi naman pwede yun. Magagalit si Cynthia dib a?

“Parehas tayo ng nararamdaman Bakit ba parang wala lang sa kanila ang lahat?” (Gaspar, 2008).

Banat naman yan ni Mikhail, ang new found friend ko :D. parehas din kasi kami ng kalagayan sa buhay nung panahon na yun. Bigla na ring gustong kumalas nung babae sa knya na itago na lamng natin sa pangalang BHea Fabia. Tapos, parang wala lang ang lahat dun kay Bhea. Parang hindi daw nakaka-miss. Hindi ngpaparamdam. Saklap noh? Eh same fate kami. Kaya sya ang nagging sandigan ko ng panahon na yun. Pero ngayon, ok na sila. Ako? Ok naba? A-T-A. Kaya para sayo, Mikhail Andre, isang tagay sa tagumpay! (nyay. Parang sa alak ata yun ah?!)

“Anong English ng pa-fall? Answer: JEROME:))” (Rivera, 2008).

Pag-uusap naman naming muli yan ni bestfriend Mike. Dahil nga usapang Smart Bro kami nun na walang ibang ginawa kundi magpaasa, natanong nya sakin yan. Anu daw ang English ng pa-fall? Kung giving false hopes daw ba…sabi ko naman, hindi. Jerome ang English ng pa-fall. Ayun. Natuwa ata sya at balak nya pang gawing linya ni (me)lanie sa blog nya. Aysus. Ginawa lang “j” nagging English na? haha.

At iyan na muna sa ngayon ang ilan sa mga piling linya na aking naaalala. Ayos noh? Parang umikot lang sa iisang tao. Haha. Sino kaya yun? Ikaw, kilala mo?:)



5 comments:

KRANiNG said...

WOW! DA BEST!! comm na comm! hahaha. ganda. gagi isa to sa peyborit posts ko. :D kasali pa si NEW FOUND FRIEND. :DDDDD Syempre kilala namin kung sino tinutukoy mo. yung english ng pa-fall. haha

DIANNEtic. said...

haha. apir tayo jan! favorite ko rin to eh..walang halo ng bitterness!!!wahha:))
tae. english ng pafall ka jan!!! wahha.

KRANiNG said...

HAHA. WALA BA??? eh anu yung explanation nung sa quote ni Kraning??? hahaha. walang kabahid bahid ng pagkukunwari ah! hahah

mAyKeE said...

naku..isa pa pala sa nagpapabagal ng internet namin ay yung mcAfee antivirus...araw araw na lang na magnet ako palaging may dina-download na kung anu-ano na antivirus ekek..

tapos pagkatapos magdownload, sasabayan pa yan ng automatic scan...naku talaga ang mcAfee..pinapabagal ang usad ng net namin, magkatuwang sila ni smartbro!

hehehe..nice post..nga pala, irerevise ko yung episode 15...hindi mo pa pala napapatawad si aries para may thrill..hehehe..

mAyKeE said...

ay oo nga pala..wag mo ibulgar na galit ko si -tuuuut-..DA na lang ilagay mo na name nya...