October 15 na pala.
oo. parang kanina pa ko hindi maka-move on sa petsang yan.
natutuwa lang siguro ako dahil (1) mabilis ang internet ngayon dhil tulog na ang mga lintek na crew ng smart bro at walang ngbabantay sa pagnanakaw ko ng innernet. (2) tulog na ang tatay ko at ang alam nya ay gumagawa pa ko ng paper pero ang totoo ay hindi naman. (3).ilang pahina na lang ay matatapos na ko sa paper kong umpisa pa lang ay wala naman talaga akong interes (4). nabati ko si friend sa kanyang kaarawan at sa sobrang kagalakan ay ako pa ata ang unang nkabati. (oha. tinalo ko pa si katukayo, di ba? *grin*) at (5) nakakaalala na sha! woohooo!
Paunawa: hinihingi ang iyong matinding pagpapasensha sa kababawan ng kaligayahan ng writer nito.ü
sa totoo lang, mahirap magpigil. ayan, inamin ko rin.
kapag gusto kong mg paka-emo o mgdrama, hindi magpaparamdam. Pero susmiyo, ako na nagsasabi sayo, wag mong gagayahin kung wala kang lakas ng loob na panindigan ang kadramahan mo.
dahil baka magaya ka sakin na nakikita na lang ang kanyang sarili na tinetext si better half.. ayun. Di nakapagpigil. pahiya onti. pero wag mag-alala. onti lang naman. tapos ikaw lang ang nakakaalam.
usapang kahiya hiya na lang din namn, ituloy tuloy na naten to..
kanina, (hindi ko alam kung anong oras at wala na kong balak alamin) ay nabsa to ng taong pinatatamaan ko nito.
oh di ba? mas may nakakahiya pa ba dun? ayun. pilit ko uling pinatitigas ang mga body parts ko na natunaw nung sabihin nya saking nabsa nya.
ito ang eksena....
sya:" nakakalungkot naman, bawal ko palang basahin yung nasa blog mo.."
ako: *biglang pinagpawisan ng malamig* "hala. shet! binasa mo?"
sya: *halatang nagpapalusot* "hindi, nabasa ko lang, binasa ko kasi yung about me mo eh. pero hindi ko nan tinuloy"
ako: *napapalunok* hala wag mong basahin, kahiya hiya yung andon! (bumanat ng ganon kahit alam nman nyang wala naman syang magagawa dahil hindi nya naman hawak ang pc ni "sya"
........MAKALIPAS ANG BUONG MAGDAMAG>>>>>>
sya: "blahh blahh blahh.. (hindi ko na talaga matandaan)..sori..ü"
ako: "blahh blahh blahh.. para san yung sori?
sya: "nabasa ko na kasi eh..
(oha. di ba?ganun lang kabilis yun. pambihirang buhay)
ako: *napamura*
yan ang isa sa mga senaryong alam ko ni minsan ay hindi mo ninais na mangyari sayo.
kung alalm mo kasi ang kadramhan at kwento ko, sabay mababasa ng taong 'pinagaalayan' (hehe) ko nito, wala ka tlagang ibang masasabi kundi "&*&^$^"
naalala ko tuloy yu7ng sinabi ng walangya kong kaibigan na lumipat ng diliman. (hehe. peace tayo.ü).
madalas kasi ako mgreklamo sa kaungasan at kayabanga ni "sya". sabi nya naman, "eh kasalanan mo din kasi eh. Ginaganon mo kasi kaya lumalaki ulo. kala mo artista..."
(ooopps...pero dati pa yun. ngayon, friends na sila:))
ako naman, patay malsha lang.
haha.
PAUNAWA: humihingi ng dispensa ang writer sa mambabasa ngunit kelangan nya ng itigil ang pagsulat dito sapagkat nangangamoy panis na yung paper nya na bukas ay ipapasa na. Ang kapal din ng mukha nya para unahin to eh noh.? agree? (may side comment pa).
to be continued...(maya maya)
(kapag mabilis uli yung innernet:))
Wednesday, October 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Hi lany....HEHEHE...kahiya-hiya nga..ehehehe..
Speaking of better half...may TWO NEW songs sa friendster or multiply ko. Yung isa may lyrics na "better half"...pakinggan mo na lang..yung isa..pwede mong pag-alayan kay "sya"...hehehhe
(Elefante, 2008)
"naalala ko tuloy yu7ng sinabi ng walangya kong kaibigan na lumipat ng diliman. (hehe. peace tayo.ü).
madalas kasi ako mgreklamo sa kaungasan at kayabanga ni "sya". sabi nya naman, "eh kasalanan mo din kasi eh. Ginaganon mo kasi kaya lumalaki ulo. kala mo artista..."
(ooopps...pero dati pa yun. ngayon, friends na sila:))"
Hahaha. Sino kaya yun? Tsk. Bad nga. Haha.
Ang landee niyo talagaaa! Che! Hahaha. Hoy basta, malaki ka na. Alam mo na yan. XD
Post a Comment