Saturday, October 4, 2008

buhos.galit:(

PAKIUSAP:

wag basahin ng taong may kaarawan ng October 4.







tsk.



mas may sasakit pa ba sa senaryong ang ganda ng damit mo, may pamasahe ka na, iniimagine mo na mangyayari, nag-prepare ka pa ng load pantext pati pasalubong PERO HINDI KA PALA KASAMA?!


okay. sige. tumawa ka. nakakatawa nga talaga.

nakakaaning, nakakabaliw, nakakaiyak.


kasalanan ko na rin naman siguro. Hindi kasi dapat umaasa di ba?
Sa totoo lang, 5 buwan ko tong inasam. paulit ulit na pinauulit sa isip ko ung mga posibleng mangyari..
pero wala naman pla. yung paulit ulit kong iniimagine, literal na imahinasyon na lang pala tlaga.

Sabi ko nga sa bulletin ko, "for some insane reason, isa tong araw na to sa pinakamabagal at pinakamahabang araw sa buhay ko..."
ewan ko rin kung bakit. Siguro dahil naghihintay ako sa pagtakbo ng oras. Ayun, tumakbo nga ang oras, pero ako, naiwan nang nakatengga.

Kanina, pagkagising ko, excited ko pang tiningnan kung may text sha na nagsasabing magkikita kami..(oha. nangangarap lang di ba?) pero wala uli.

Syempre, steady lang. Kunwari okei lang. KUNWARI KAYA KO PA.

Lumipas ang quarter to eleven(yan yung time na laging nagmimiskol sha), wala pa rin. Ang lunch time, ang miryenda, at hanggang sa naisipan ko na lang na ibuhos ang namumuong drama sakin dito.

Ganun tlaga siguro. lahat ng pinapakita nya, wala lang yun. ako lang ang (langyang) nagbibigay ng kahulugan.



Sabi nga sa nabasa kong libro (na hindi ko na matandaan kung ano), "hindi naman sya hangin. Mabubuhay ka ng wala sya."

o di ba? bumanat pa yung writer. Lupet nga eh. napaluha ako.



Pero hindi ko rin naman sya masisisi. Ayaw nya lang din siguro gumawa ng bagay na pagsisisihan nya habambuhay. Bakit pa kasi umaasa ako? Letse. (flan)

Eh umpisa pa lang nagkalinawan na at sinabi nyang "kaibigan lamang ang turing ko sa kanya".

ako lang ang makulit. ako lang yun nagsusumiksik sa kanya. Kahit alalm ko namang imposible.



Pero di ba "it takes two to tango"? somehow may naging part din sha.

Sana hindi na lang sya nagpaasa. Sana hindi na lang sya nagpapaasa.

Porket alam nya lang kung gano ko sha iiyakan, ginaganon nya na ko. Pambihirang buhay. Nakilala ko pa kasi sya eh. Sheet.



tapos ngayon, hindi nanaman ngpaparamdam. Ung comment ko nabubulok na. Hindi na naman napansin.
magtatanong tanong nanaman sha bakit hindi na ko nagpaparamdam, wh sya nga yun eh. ayos noh? binaliktad pa yung pangyayari.

ayoko na. pagod na ko eh. sobra.
dun nalang sya sa gf nyang kapangalang ko pa.
:(























1 comment:

mAyKeE said...

hala lany...napakadrama nito...napaano ba nangyari? kaya mo yan....