Thursday, October 23, 2008

hindi ako gumawa nito!

Kahit na nagmumukhang tanga.
Kahit na sinasaktan ako, Umiiyak ako dahil sa 'yo.
Heto pa rin ako Halos baliw sa 'yo...
Kahit na ..
Niloloko mo lang ako, Kahit na tumingin ka sa iba,
Magmahal ka ng iba,
Magbubulag-bulagan ako..
Masakit man ito dito sa puso ko...
Dahil mahal... mahal na mahal kita
Hindi ako matatakot, mahihiya ..Anuman ang sabihin nila Dahil mahal kita Dahil mahal... mahal na mahal kita.. Gagawin ko ang lahat.. Pangako mo lang 'di ako iiwan ..
Dahil mahal...
Mahal na mahal kita
Gagawin ko ang lahat Pangako mo lang 'di ako iiwan..Dahil mahal
Mahal na mahal kita..
Kahit na nagmumukhang tanga.
Kahit na sinasaktan ako, Umiiyak ako dahil sa 'yo,Heto pa rin ako...Halos baliw sa 'yo ...
Kahit na... Niloloko mo lang ako..
Kahit na tumingin ka sa iba, Magmahal ka ng iba . Magbubulag-bulagan ako.
Masakit man ito dito sa puso ko ..
Dahil mahal... mahal na mahal kita.. Hindi ako matatakot, mahihiya Anuman ang sabihin nila.
Dahil mahal kita Dahil mahal... mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat .Pangako mo lang 'di ako iiwan ..
Dahil mahal.. Mahal na mahal kita
Gagawin ko ang lahat, Pangako mo lang 'di ako iiwan Dahil mahal...
Mahal na mahal kita



ay?hala. bakit nagkaroon ng ganyan dito? susmiyo! sino ngpost nyan? SINOOO???!!! napaka-martir pa naman. tss. tsk2.
*hugas kamay*

Monday, October 20, 2008

affinity.




bawal basahin ng taong hindi makakarelate. wala akong panahon para ilahad ang pangyayari sayo. mamili ka na lang ng ibang blogspot. yung mas may sense..








hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nung nabasa ko yun...


a.) sinong *nagmura* babae nanaman yun? hay. pambihirang buhay. pakamatay na kaya silang dalawa?
b.) OMG. *grin* (ayoko ng magcomment sa part na to...baka meron lang bumatok sakin eh. sabihin pa ang kapal ng muka ko.)
c.) TAENANG GRAMMAR YUN!! wahaha. *exagg na pagtawa*. magtagalog na lang kasi. hehe. peace :D


Para sa a.)
at sino nga naman kasing babae yun? (malamang babae. sa 4 na taon na pagkakakilala ko sa kanya, wala pa namang issue na brokeback sha. haha ). may nalalaman pa shang ganun,hindi nya na lang sabihin kasi sa babae nya eh noh. may ganong drama pa. (maiintindihan ko naman) *bitter*

b.) tawa na lang . ayoko nga sabi mag-comment tungkol dun eh. hehe.

c.)yan na nga ba sinasabi ko eh. kapag hindi kasi kaya, wag ng pilitin. ayan. napagtatawanan pa tuloy ng sambayanan. siguro un ang isa sa dahilan kung bakit nya pinalitan..

pero para kanino nga ba?
tsh. asa.


Wednesday, October 15, 2008

ito nanaman tayo:)

October 15 na pala.
oo. parang kanina pa ko hindi maka-move on sa petsang yan.

natutuwa lang siguro ako dahil (1) mabilis ang internet ngayon dhil tulog na ang mga lintek na crew ng smart bro at walang ngbabantay sa pagnanakaw ko ng innernet. (2) tulog na ang tatay ko at ang alam nya ay gumagawa pa ko ng paper pero ang totoo ay hindi naman. (3).ilang pahina na lang ay matatapos na ko sa paper kong umpisa pa lang ay wala naman talaga akong interes (4). nabati ko si friend sa kanyang kaarawan at sa sobrang kagalakan ay ako pa ata ang unang nkabati. (oha. tinalo ko pa si katukayo, di ba? *grin*) at (5) nakakaalala na sha! woohooo!

Paunawa: hinihingi ang iyong matinding pagpapasensha sa kababawan ng kaligayahan ng writer nito.ü

sa totoo lang, mahirap magpigil. ayan, inamin ko rin.
kapag gusto kong mg paka-emo o mgdrama, hindi magpaparamdam. Pero susmiyo, ako na nagsasabi sayo, wag mong gagayahin kung wala kang lakas ng loob na panindigan ang kadramahan mo.
dahil baka magaya ka sakin na nakikita na lang ang kanyang sarili na tinetext si better half.. ayun. Di nakapagpigil. pahiya onti. pero wag mag-alala. onti lang naman. tapos ikaw lang ang nakakaalam.

usapang kahiya hiya na lang din namn, ituloy tuloy na naten to..
kanina, (hindi ko alam kung anong oras at wala na kong balak alamin) ay nabsa to ng taong pinatatamaan ko nito.
oh di ba? mas may nakakahiya pa ba dun? ayun. pilit ko uling pinatitigas ang mga body parts ko na natunaw nung sabihin nya saking nabsa nya.
ito ang eksena....

sya:" nakakalungkot naman, bawal ko palang basahin yung nasa blog mo.."
ako: *biglang pinagpawisan ng malamig* "hala. shet! binasa mo?"
sya: *halatang nagpapalusot* "hindi, nabasa ko lang, binasa ko kasi yung about me mo eh. pero hindi ko nan tinuloy"
ako: *napapalunok* hala wag mong basahin, kahiya hiya yung andon! (bumanat ng ganon kahit alam nman nyang wala naman syang magagawa dahil hindi nya naman hawak ang pc ni "sya"
........MAKALIPAS ANG BUONG MAGDAMAG>>>>>>
sya: "blahh blahh blahh.. (hindi ko na talaga matandaan)..sori..ü"
ako: "blahh blahh blahh.. para san yung sori?
sya: "nabasa ko na kasi eh..

(oha. di ba?ganun lang kabilis yun. pambihirang buhay)

ako: *napamura*

yan ang isa sa mga senaryong alam ko ni minsan ay hindi mo ninais na mangyari sayo.
kung alalm mo kasi ang kadramhan at kwento ko, sabay mababasa ng taong 'pinagaalayan' (hehe) ko nito, wala ka tlagang ibang masasabi kundi "&*&^$^"

naalala ko tuloy yu7ng sinabi ng walangya kong kaibigan na lumipat ng diliman. (hehe. peace tayo.ü).
madalas kasi ako mgreklamo sa kaungasan at kayabanga ni "sya". sabi nya naman, "eh kasalanan mo din kasi eh. Ginaganon mo kasi kaya lumalaki ulo. kala mo artista..."
(ooopps...pero dati pa yun. ngayon, friends na sila:))
ako naman, patay malsha lang.
haha.

PAUNAWA: humihingi ng dispensa ang writer sa mambabasa ngunit kelangan nya ng itigil ang pagsulat dito sapagkat nangangamoy panis na yung paper nya na bukas ay ipapasa na. Ang kapal din ng mukha nya para unahin to eh noh.? agree? (may side comment pa).


to be continued...(maya maya)

(kapag mabilis uli yung innernet:))


Sunday, October 12, 2008

baugan moments.

ayan.
wala na. baog nanaman ako.
nabaog kakahintay sa mga pangyayari. lagi na lang silang nagpaapaasa.


lintek na buhay. magkaibigan nga sila.
iisa ang gusto. iisa ang gawain. parehas nagpapaasa.
tsh. sana hindi ko na lang sila nakilala..


yung labahan ko, nanigas na. yung pupuntahan ko, hindi na napuntahan.
yung exam ko, napagiwanan na. yapos sila...
ayoko ng magsalita. wala lang mangyayari.
sana nag- jamocha na lang ako.
sumaya pa ko.
:(


*bored to death*

Saturday, October 4, 2008

buhos.galit:(

PAKIUSAP:

wag basahin ng taong may kaarawan ng October 4.







tsk.



mas may sasakit pa ba sa senaryong ang ganda ng damit mo, may pamasahe ka na, iniimagine mo na mangyayari, nag-prepare ka pa ng load pantext pati pasalubong PERO HINDI KA PALA KASAMA?!


okay. sige. tumawa ka. nakakatawa nga talaga.

nakakaaning, nakakabaliw, nakakaiyak.


kasalanan ko na rin naman siguro. Hindi kasi dapat umaasa di ba?
Sa totoo lang, 5 buwan ko tong inasam. paulit ulit na pinauulit sa isip ko ung mga posibleng mangyari..
pero wala naman pla. yung paulit ulit kong iniimagine, literal na imahinasyon na lang pala tlaga.

Sabi ko nga sa bulletin ko, "for some insane reason, isa tong araw na to sa pinakamabagal at pinakamahabang araw sa buhay ko..."
ewan ko rin kung bakit. Siguro dahil naghihintay ako sa pagtakbo ng oras. Ayun, tumakbo nga ang oras, pero ako, naiwan nang nakatengga.

Kanina, pagkagising ko, excited ko pang tiningnan kung may text sha na nagsasabing magkikita kami..(oha. nangangarap lang di ba?) pero wala uli.

Syempre, steady lang. Kunwari okei lang. KUNWARI KAYA KO PA.

Lumipas ang quarter to eleven(yan yung time na laging nagmimiskol sha), wala pa rin. Ang lunch time, ang miryenda, at hanggang sa naisipan ko na lang na ibuhos ang namumuong drama sakin dito.

Ganun tlaga siguro. lahat ng pinapakita nya, wala lang yun. ako lang ang (langyang) nagbibigay ng kahulugan.



Sabi nga sa nabasa kong libro (na hindi ko na matandaan kung ano), "hindi naman sya hangin. Mabubuhay ka ng wala sya."

o di ba? bumanat pa yung writer. Lupet nga eh. napaluha ako.



Pero hindi ko rin naman sya masisisi. Ayaw nya lang din siguro gumawa ng bagay na pagsisisihan nya habambuhay. Bakit pa kasi umaasa ako? Letse. (flan)

Eh umpisa pa lang nagkalinawan na at sinabi nyang "kaibigan lamang ang turing ko sa kanya".

ako lang ang makulit. ako lang yun nagsusumiksik sa kanya. Kahit alalm ko namang imposible.



Pero di ba "it takes two to tango"? somehow may naging part din sha.

Sana hindi na lang sya nagpaasa. Sana hindi na lang sya nagpapaasa.

Porket alam nya lang kung gano ko sha iiyakan, ginaganon nya na ko. Pambihirang buhay. Nakilala ko pa kasi sya eh. Sheet.



tapos ngayon, hindi nanaman ngpaparamdam. Ung comment ko nabubulok na. Hindi na naman napansin.
magtatanong tanong nanaman sha bakit hindi na ko nagpaparamdam, wh sya nga yun eh. ayos noh? binaliktad pa yung pangyayari.

ayoko na. pagod na ko eh. sobra.
dun nalang sya sa gf nyang kapangalang ko pa.
:(