Wednesday, July 8, 2009

Reap.

Isang araw, namulat na lang ako sa katotohanang hindi ginawa ang cyberspace para ipagsigawan ang mga bagay na nararamdaman mo para sa mga NILALANG NA NAKATUON ANG PANDINIG AT ATENSYON SA IBANG BAGAY-slash-TAO.

Ang daming nasasayang sa mundo. Transient ang oras. Lulong at lunod ang lipunan sa nakakaumay na mga dagok. Gabundok ang problema ng lipunan para unahin at isipin mo pa ang sarili mong kalungkutan. Hindi yun ang dapat inuuna. Pano ka uunlad kung nakatuon at kulong ka lang sa sarili mong kapakanan? Madami ng nagbago. Oras. Panahon, Ikaw, Ako. At makakapagbigay ako ng ilang libong dahilan upang makisama tayo dito. Tama na ang ma-kesong kwentuhan, mga pamatay oras na talakayan. Iba ang dapat mong pinagtutuunan. Iba ang dapat KONG pinagtutuunan. Hindi Ikaw. Hindi Ikaw.


By:Lady.
Remember our last. July 8, 2009.
*RIP*