Lahat tayo naloloko.
Dadating sa punto na mararanasan yun ng bawat isa sa'tin.
Mahirap, mayaman, babae, lalaki, transgender, heterosexual,metrosexual, emo, hippies, estudyante, prof, out of school youth, bitchosa, ordinaryong mamayan, pulitiko.
Sabi nga nila, panapanahon lang yan. Unahan ba. Pwedeng nauna syang manloko, o kaya ikaw naman.
Oo, ako din, niloko nya. Kala ko dati hindi ako maapektuhan ng kagaguhan nya. Eh pakelam ko naman ba kasi sa mga pinagsasabi nya? Sino ba ang may pakelam sa kanya? Syempre yung mga taong nakakasalimuha nya lang naman, di ba? Yung mga kausap nya lagi, mga kasama nya lagi, mga nabobola nya lagi. Pero ako, hindi. Hinding hindi.
Yun ang inakala ko. Siguro, yun din ang inaakala mo hanggang ngayon. Parehas lang pala tayo.
Siyam na taon na tayong nakikinig sa bawat mabubulaklak na salita ng lider na ginagampanan ang mismong kabaliktaran ng kanyang tungkulin. Akalain mo yun. 9 na taon. Andami ng nagyari sa buhay ko nun. Nakatikim ng ilang taon sa private school. Pumasok at nakatapos ng high school, nakatuntong ng kolehiyo. Pero hindi para sa mga taong ni hinidi nararanasang kumain ng tatlong beses isang araw. YUng mga tipo mga tao na ginto kung ituring ang pagtikim sa fried chicken. Yung mga batang anghel ang tingin sa taong nagbigay sa kanila ng may kagat na tinapay sa lansangan. Yung mga matatandang King-sized bed ang turing sa karton at mamasa-masang dyaryo. Sa loob ng syam na taon, Hyatt Hotel parin ang tingin nila sa eskenita na may bubong sa Plaza Miranda. Sanktuaryo parin ang tingin nila sa sulok-sulok sa ilalim ng tulay.
Sa loob ng syam na taon, bakit ganito pa rin ang sitwasyon?
Haharap nanaman si Gloria sa madlang tao sa lunes (27) suot ang milyones na halaga nyang gown sa pinakaaabangang SONA na mas inaabangan pa ng mga tao kesa sa HP. Astig noh? Iba ibang kulay ang suot bawat taon, Dinesign ng mga prestihiyosong designer. Magaling. Daig nya pa ang debutante. Daig nya pa kung tutuusin sina Kim Chui, Sarah Geronimo at iba pa nung mag-debut sila. Sila, isang bess lang pumorma. Si Gloria, 9 na beses ng rumarampa.
Pagpipiyestahan nanaman ang mga kasinungalingan nya, mga pangako nya. At ipagmamayabang nanaman nya kung ilang imprastraktura ang napagawa sa loob ng (karumal dumal) na termino nya. Pinagmamayabang ba dapat ang tungkulin mo?
Ganito na lang isipin natin, dapat bang pinagmamayabang ng isang sekyu kung gano sya kagaling magbantay ng tindahan at kung gano sya kahyper para bantayan ang dapat nyang bantayan? Kung ako ang makakarinig ng pagmamayabang na yun, baka nabawasan na ng isang magiting na sekyu ang ating bayan.
Bakit kaya di nya subukang ibulalas kung ilang extrajudicial killings ang nangyari sa loob ng termino nya? Kung ilang paaralan ang may kulang na subsidiya, kung gano kalaki ang kinita ng mga eroplano dahil sa kakalakwacha nya? Kung gano kalaki ang kinita nya sa loob ng 9 na taon, kung ilang magsasaka ang hanggang ngayon tuyot para sa lupang inaasam nila, Kung ilang mamamayan ang nawala ng trabaho? Kung ilang tao ang nawala at pinaniniwalaang pinatay? Kung gano lumaki lalo ang kautangan ni Juan? Kung ilang piso ang tinaas ng pamasahe? Kung gano nagmahal ang isang pirason ng pandesal? kung ilang estudyante ang ngayon ay nagpapagala gala na lang, kung gano lumaki ang bentahan ng droga, Kung gano lalo tayo nabaon sa putik ng kahirapan? kung bakit hanggang ngayon, SA LOOB NG 9 NA TAON, GANITO PA RIN ANG KALAGAYAN ni JUAN?
Mas maganda kung yun ang sasabihin nya sa SONA. Tiyak ko, mas interesanteng pakinggan yun. Samahan pa nya ng Powerpoint, handouts at activities para may ice breaker. Tipong hulaan kung magkano ang nasamsam nya sa bayan. Kung sinong tamang makakahula, bibigyan ng libreng breast implant. Kulang siguro ang isang buong araw kapag yun ang pinagusapan. Baka, hindi na ipalabas ang May Bukas pa at Tayong Dalawa, kapag nagkataon.
Lahat tayo naloloko.
Dadating sa punto na mararanasan yun ng bawat isa sa'tin.
Mahirap, mayaman, babae, lalaki, transgender, heterosexual,metrosexual, emo, hippies, estudyante, prof, out of school youth, bitchosa, ordinaryong mamayan, pulitiko.
Sabi nga nila, panapanahon lang yan. Unahan ba. Pwedeng nauna syang manloko, o kaya ikaw naman.
Lahat tayo naloloko. Ipagpapatuloy pa ba natin 'to? Nauna na sya dati. apayag pa ba tayo uli? Magsawa ka naman Juan.
(Inspired by ALAB UP)
Friday, July 17, 2009
Wednesday, July 8, 2009
Reap.
Isang araw, namulat na lang ako sa katotohanang hindi ginawa ang cyberspace para ipagsigawan ang mga bagay na nararamdaman mo para sa mga NILALANG NA NAKATUON ANG PANDINIG AT ATENSYON SA IBANG BAGAY-slash-TAO.
Ang daming nasasayang sa mundo. Transient ang oras. Lulong at lunod ang lipunan sa nakakaumay na mga dagok. Gabundok ang problema ng lipunan para unahin at isipin mo pa ang sarili mong kalungkutan. Hindi yun ang dapat inuuna. Pano ka uunlad kung nakatuon at kulong ka lang sa sarili mong kapakanan? Madami ng nagbago. Oras. Panahon, Ikaw, Ako. At makakapagbigay ako ng ilang libong dahilan upang makisama tayo dito. Tama na ang ma-kesong kwentuhan, mga pamatay oras na talakayan. Iba ang dapat mong pinagtutuunan. Iba ang dapat KONG pinagtutuunan. Hindi Ikaw. Hindi Ikaw.
By:Lady.
Remember our last. July 8, 2009.
*RIP*

Subscribe to:
Posts (Atom)