oo. nawirduhan din ako ng bonggang bongga nung makita ko eh. 1st day pa yun ng first sem nung first year. (ayos. nakakalunod sa salitang "first"). Naka pink na chucks sya na may pink na bag na shape gitara. Gusto nanamin syang lapitan ni Gine nung mga panahon na yun dahil napag alaman naming taga-dela costa sya. Isang pambihirang pagkakataon kaya yung makakita ka nga ka-lugar mo sa isang lugar na isa kang estranghero. (wow. lalim.) Pero parang weird. Iba ang mga kasamahan nya eh. Kaya ayun. Carry lang. Kunwari na lang ayaw naming makipag-friends. Pero lalong nakakaengganyo syang maging friend nung matapos kaming mgpakilala sa Math2 class. Mahina din daw sya sa math. Ayos. Kala ko kasi, ako lang ang nahihilo sa Math. Buti na lang may karamay ako.
LUmipas ang ilang bwan… (hindi ko na maalala kung ilang bwan) at hindi ko inakala na magiging ka-close ko sya. (Naks. Napapangiti na yan oh!) Nagsimula siguro yun kapag sabay sabay na kaming umuuwi sa maynila at sabay sabay kaming tatlo nina Gine na tumatawid ng footbridge sa Qmart. Sabay sabay naming tinatahak at hinaharap ang aroma ng palengke habang nghihintay kami ng jayross. Haha. Naalala ko pa one time nung bigla na lang syang sumakay sa Santrans. Kala nya daw sasakay kami ni Gine. Ayun, nagulat na lang kami, nakasakay na sya. Kami ni gine, tawa lang ng tawa. Makalipas ang ilang minute, nakatanggap na lang kami ng mensahe mula sa kanya…
Txt nya: “kala ko sasakay din kayo. Pasensya na ah. Yung payong pala ni Gine, balik ko na lang sa Monday”
Ayos. Hindi talaga kami maka-get over nun.
Dun na nagsimula (siguro) ang friendship namin. (Naks. Ang drama naman!) Habang si Gine ay abalang abala sa mga ibat-ibang mapa ng iba’t-ibang bansa, naiwan kaming unti-unting nabubulok sa Pampanga. Wahaha.
Hindi ko malilimutan ang mga moments na to. Kaw, nakalimutan mo na noh?? Haha.
1.) Isang Friday ng bigla kong malimutan yung pesteng envelope ko sa comm. sa bus ng santrans. Dalawa na lang kami nung bumaba kami sa paramount ng bigla kong marealize na wala na kong hawak. Parang masisisraan ako ng bait nun. Bakit? Una, wala akong back-up files ng mga paper na laman ng envelope na yun. Pangalwa, Hindi ko alam kung babalikan ko na lang ba kinabukasan sa terminal yung envelope o kukunin ko din nung mismong araw na yun. Pangtlo, kunin ko man, magmumuka lang akong shunga dahil hindi ko rin alam kung san naka-locate ang terminal na yun. Paiiralin ko nanaman ang pagiging imbentor ko. Ayun, matapos ang 15 o 30 minutos, napagkasunduan naming na pumunta na lang. Pinapatahan nya pa ko nun sa pag-iyak habang may nagaaway na security guard at baliw sa SM north. Pagsakay naming ng bus, sya pa ang namasahe sa kanya, at nangutang pa ko ng barya pauwi. Oh dib a? Bonggang bonggang perwisyo nadulot ko sa kanya. (sige na, malaki na ang utang ko sayo. Haha)
2.) Laging anjan yan para mag-offer ng mga bagay bagay namely: pagkain, sasakyan ng daddy nya, bahay, headset,
Pagkain. Hindi lang halata pero mayaman tong prinsipe na to….at bonggang bongga ang pagkain sa palasyo nila. Kanina lang, pinabaunan pa ko nyan ng Cheese Clubs eh. Sabay sabing “Oh, Lany, iyo na yang Cheese Club. Alam ko favorite mo yan” haha. Ayos noh? Pgkatapos ng small talk nay un, dinner naman inupakan naming. Haha. Yan ang bagong definition ng “makiki-cr”. Haha.
Car. Haha. Gusto ko lang ulitin. Mayaman talaga tong batang to. Abay’akalain mong anak sya ng isa sa mga engineer na namamahala ng MWSS? Galing! Kaya kalakip nito ay ang pagooffer nya samin na sumabay sa car ng daddy nya. Hehe. At dahil, magkalapit nga lang kami at mahirap tanggihan ang ganun mga pagkakataon, ako madalas ang nakakalasap ng biyaya. Minsan pa, hanggang Pampanga. Bongga! Ipagpatuloy naten ang ganyan ha. Walang iwanan. Haha
Bahay. Minsan na kong ngtangka na wag umuwi samin. At iisang bahay lang ang balak kong puntahan (bukod sa ate ko), sa mansion nila. Kala ko nga hanggang garden lang ako o kaya cr, o kaya maglalaba ako ng labada nila bilang kapalit. Buti na lang ang reply nya, “sure. Text mo lang ako kung dto ka matutulog”
3.) Hindi ko rin malilimutan ang mga pagkakataon na hinahatid ako nyan sa maingate twing pupunta ako sa kanilang apartment kahit most of the time ay napipilitan lang sya o kaya naaawa sakin. Tama ba, mike? Haha. Si Tim kasi ang original na taga haid sakin, kaya lang, ayun, nalulong na ata sa dotA.(joke lang.ü) kaya naging si Mike ang karamay ko. Wag ka magsasawa ah. *grin*
4.) Nahihiya pa rin ako sa usapang Kappa. Basta, alam ko alam mo na yun. Sorry ah:)
Sa ngayon, yan pa lang ang tumatak sa isipan ko. Pero, swear. Marami na kaming memories ng batang to, magmula sa summer sa Math11 hanggang sa pagiging groupmates naming kay Pacita. Magmula sa usapang Faye, hangang sa usapang Herome (pronounced as He-ro-me)
Tunog may relasyon lang eh noh? Pero syempre, wala. Friends kami eh. Hehe. Ka-conjugal pwede pa. haha. Isang paglilinaw lamang.
P.S: ok na ba Mike?. Yes!! Para sayo yan! Ayii!! Apir! Kahit si “Melanie” ay hindi makakatuluyan si pinakamamahal nyang si “Jerome”, ayos lang. love pa rin kita. Haha:)