Saturday, December 6, 2008

closure.

Iyon ag unang beses na hindi pagkain ang inalmusal ko.
at iyon dun ang unang beses na sinubukan ko yun (pangalawa pala. Una nung nakaraang umaga)
kung paano, di ako sigurado. kung bakit, di ko alam, at kung nagawa ko ng tama, lalong wala akong idea.
Siguro dahil pansamantala akong na.astigan sa mga tambay na bumubuga, o kaya natuwa lang ako mgaksaya ng barya para sa dalawang stick, o sajang emo mode lang ako ng mga panahon na yun at bagay na bagay ang pagdadrama habang nagyoyosi. Hindi ko rin talaga alam.

Tinanong ako ng tatlo sa mga pinakamalapit kong kaibigan kung bakit ko daw ginawa yun. Sagot ko dun sa isa, wala lang. Mukang masaya kasi mgyosi habang nanonood ng dibidi. Sagot ko naman sa isa, para lang sa experience. pero yung isa lang ata ang nakatumbok ng sagot. "dahil ba sa kanya?" syempre. tamang tanggi lang nung una. pero siguro, somehow, parang tama nga sya...


Nov28 un nung tinawagan ko ung isang tao na malapit sa kanya. wala lang. wala kasi akong mapaggamitan ng nakakalunod na load. Hindi ko naman aakalain na yun ang balita nya. Pambihira! ganda ng bungad eh. "oi alam mo ba... blah blah blah... m.u pala sila...blah blah blah" ewan. malabo na ang pandinig ko pagkasabi nya nun. basta yun na lang ang narinig ko. Tanong ko naman "hanggang ngayon?" "Oo. hanggang ngayon...blah blah blah. narinig ko eh" Parang natahimik paligid ko nun. Sabay banat nya ng "Oh, wag kang iiyak jan ah". Sabi ko, asa naman. Buti na lang dumating na yung prof non. May dahilan na ko para putulin ang usapan na yun. Pagpasok ko ng room, parang okei pa. Kailangan lang pala ng ilang minuto para mg-sink in sa kin ang mga bagay bagay. Nramdaman ko na lang na basa na pisngi ko dahil sa iyak.

Parang nawalan na ko ng gana nung mga panahon na yun. Nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Sa Natsci2, sa seatwork, sa pagaaral, sa pag-uwi sa dorm, sa pgkain, sa pgkwentuhan sa katabi, sa lahat. Mababaw, oo. pero hanggang gabing ganun ang senaryo. Sabi nung isang kaibigan ko, "m.u lang yan. hindi pa sila. at kung sila man, maghihiwalay din un". Sabi naman nung isa, "m.u, gf at bf, parehas lang yun. sila na nun". Sa isip isip ko, wala na. tapos na. wala ng pag-asa.

Ni sa sarili ko hindi ko alam kung bakit ganun ako umasta nung mga panahon na yun. Unang una, wala naman akong karapatang mgselos. Sino nga ba ako sa kanya? kaibigan. At kapag kaibigan, hanggang dun lang yun. Minsan sa buhay, dapat mong marealize ang mga limitasyon mo. At alam kong dapat hanggang dun lang din ako. Pero bakit sobrang nasaktan ako nung nalaman ko yun? At kahit gusto ko syang sisihin dahil feeling ko masyado syang ngpaasa, hindi ko magawa. Kasalanan ko rin naman, bakit ako umasa? Sapat na ba yung mga ganung bagay para mgkaroon ako ng slightest hope na sana...sana.

Andaming sana na nglalaro sa isip ko ngayon. Sana hindi na lang kami dumating sa ganung point, yung tipong close at kala mo may something. Sana tulad na lang nung dati nung hs na hindi nya talaga ako pinapansin. In that way, atlist alam ko na hanggang dun lang ako. Hindi yung sa twing makikita ko yung mukha nya, kasama na nun yung pinakaunting pag-asa. Sana pala hindi na lang ako tumawag nun dun sa kaibigan nya, hindi ko pa sana nalaman. Sana hindi ako ganun kadali naniwala-slash-nafall-slash-natuwa sa mga pagkikita at pag-uusap namin dahil ako naman pala ang dehado sa huli. Sana sinabi nya na lang sa pagmumuka ko na wala talaga. at wala naman at wag na kong umasa dahil may iba na sya (simula naman nung umpisa pa). Matatanggap ko naman siguro yung kung nung umpisa pa lang sinabi nya na. Ngayon, pakiramdam ko, andami nang napundar na nawala din naman lahat.

Ilang libong beses ko na naririnig sa bstfriend ko na "unting pihit na lang, malapit na yan" Ayun, natuluyan na. Wala naman pala talaga. Madalas tuloy naiisip ko, ansakit pala kapag narealize mo na wala ka lang pala talaga sa taong kinonsider mo na pinakamahalaga sayo. kasi parang ang unfair eh. anjan ka ngpapakatanga sa kanya, pero andun sya, wala namang pakelam sayo. Pero ganun lang talaga siguro ang buhay. You badly wanted someone who doesn't even give the slightest damn on you.


Kanina naman, nakita ko sa page nya ung pag-uusap nila nung girl nya. Ayun.Parang Lalo lang tuloy pinapamuka sakin siguro na wag na talagang umasa. Na wala lang patutunguhan tong bagay na to. Itong kagaguhan na to. Banat uli ni Kraning (yess.special metion!)na ang pgdating ni NEW FRIEND (na kahit siguro ginagago nya ko [pero muka namang hindi] ay ansarap parin isipin na ako naman ang inaalagaan ngayon)ay sign na kailangan ko na rin mg move on at mg let go. Mukhang mahirap nga lang. TANGINA!(unang mura. naka-caps pa)apat na taon yun. HIndi ganun kadali. Pero sana lang kayanin. Siguro kapag inisip ko na lang na never naman ako ngkaroon ng importansya sa kanya, baka mapadali ko pa ang pag-let go.

sa loob ng limang araw na pag-iwas ko sa kanya, parang napakatagal na at parang andami na sanang pwedeng mangyari. 5 araw na napakatagal, napakabagal, napakalunlagkot. Hanggang kelan ko ba to kakayanin? 5 linggo? 5 bwan? 5 taon? Hindi ko alam. sa ngayon, ayoko ng isipin. Wala na kong iiiyak, wala na kong maisip. Paulit ulit na lang ang senaryo na tumatakbo sa malabnaw kong pag-iisip ngayon. Sana lang hindi nya ganun kadali makalimutan ung PAGKAKAIBIGAN namin. (wooh. asa pa di ba?) Bahala na. Bahala na...

Sana maging madali kasabay ang 5 stick na yosi...




P.S. Sinabi sakin nung bestfriend nya, wag ko daw dinadaan lagi sa blog yung mga gusto kong sabihin. Pasensya na ah. Mukha kasinng di ko kakayanin. Mukhang wala rin yung mararating.





P.S.S. And for the person i dedicated this to, if by chance you've read this, don't worry, im not asking anything in return. not even your sympathy. This is the time that i least need it.