Tuesday, September 30, 2008

ayoko na nga ba? ayoko na ata.

Naubos na ang barya
Sa kakayosi at kakabasaNg magazines mong nakahilata dyan sa sala
Mag gagabi na pala!
Di ba't sinabi ko ala-una?Mabuti na langMabagal akong magbasa...Dumating ka na sana!Bakit di ka man lang nagbilin
Na may balak ka pala biglang mag-iceSkating?
Kung di ka pa tinawaganMaiisip mo kayang ako'y DI BALE NA!
Nakakasawa din pala.Kapag paulit-ulitAng buhos ng galit!
Parang ayoko na yata.Nakakapagod din pala ang iyong mukha...At kung may balak ka pang ulitin sa kin yon.
May ibubulong ako sa yo
... putang ina mo!
Bakit nagtitiyaga sa'yo?Ang dami-dami kong reklamo!
Parang ayoko lang magsalita Parang ayoko na yata.
Ang daming dapat sabihin
Alam ko na kung pano gagawin
Akala ko siguro na hindi ko kaya.At nung ika'y dumating Mula sa yong pag-a-ice skating
Wala akong nasabi kundi."Napagod ka ba?.Kumain ka muna!"Pagkat di ko kayang magalit
Pag nakita na kita, tumatamis ang pait!Lagin pinipilitNa magsungit ngunit di bale na!Napapatawad na kitaHindi na magagalit.wag lang ma-ulit
At nung tayo'y kakain na.Biglang sinabi mong may lakad kang ibaAt kahit gusto sana kitang awayin na...
Sinabi ko."bahala ka.basta mag-ingat ka"
Parang ayoko na yata
Ngunit wala naman akong magagawa
Marahil, sobrang alam mong di ko kayang mawala ka.
Maswerte ka't mahal kita.ang malas talaga.


sabi ko na ngang ayoko mag-emote dito eh.
wala lang. ang ganda ng kanta.

(tsaka para masabi na rin na may bagong post)



*wala sa mood*

Monday, September 22, 2008

DIANNEtic:)

kailangan ko pa ba magpakilala?...
tapos na ko sa foreword di ba?...


sa totoo lang, wala namang nag-rerequire sakin na magpakilala ako. sadyang inaatake lang ako ng kaepalan para ibida ang sarili ko. Wala kasing magawa dito. (sa totoo lang ule, kasinungalingan lang yung sinabi ko. Dahil inuna ko pa tong gawin kesa mag-research para sa paper ko na ilang araw na lang ay ipapasa na.)

Malamang sa malamang, kilala mo na ko. Kung anong buong pangalan ko, kung san ako nakatira, kung san ako nag-aaral at kung ano pa mang detalye na siguradong pakikinabangan ng isang stalker. (at umaasa naman akong meron. Ahem. Kung meron lang naman). Pano mo naman kasi nalaman 'to di ba? alangan namang google-material na ang blog ko, kaya nung nag-search ka, sa kasamaang palad, ito ang lumitaw. Kung magbiro nga naman ang pagkakataon.

Pero para na rin sa kapakanan ng mga taong naligaw lang ang landas dito at wala naman talgang ideya sa mga pangyayari o kaya ay na-astigan lang sa heading ng blog ko (wag ka mag-alala. hindi ko rin alam kung san ko napulot yon), nararapat lamang na suklian ang inyong kabaitan dahil sa hindi sinasadyang pagkakamaling pagbisita sa pahinang ito. (wow. super tagalog ah! karerin daw ba?)

Ako si....(drumroll, please...) Lany Dianne Aguilar Rivera. (ang wirdo pla sa pakiramdam na isulat ang buong pangalan. hehe). Tama. L-A-N-Y. iilang tao lang kasi ang nakakakuha ng tamang spelling ng pangalan ko. kala mo pagkahirap hirap. Pano pa kaya sina Erin Brockovich? eh si Mackintosh Milwaukee? o kaya si Oscar Ocassion at si Tommee Tomorrow? (yan kasi yung mga words na hirap din ako i-spell.)
Laging Lani. o kaya LANIE (oha, kunwari ayoko ng gnyang spelling.pero ang totoo...). Pero walang nakakakuha ng tama. Pati prof. babasahin na nga lang, mali pa...

PROF: ''where's LADY DIANE?''

AKO: ''huh? ako po ba yun?''

ISANG EPAL NA KAKLASE: ''shunga. ikaw nga''

ayun. epal nga yung kaklase ko. hindi naman sha dapat kasama sa script, nabigyan pa tuloy sha ng linya. pero ayun nga, na-astigan ako sa uugod-ugod kong prof nun. Pano nya nalaman yung palayaw ko? Kakaiba talaga mga guro sa up. May pagka-psychic din..
Nabanggit na rin ang paaralan, ituloy tuloy na. pangit pag bitin. Sa Unibersidad ng Pilipinas ako ng aaral. Sa Pampanga. Oo. tama ka jan. Hindi ka naduduling. At wala ring tipak ang monitor nyo. College student ako. (shet. parang di bagay yung term). Sa Pampanga. Oo uli. alam ko iniisip mo ngayon..
''MAY U.P BA SA PAMPANGA?''
yan din ang paniniwala ko dati. Nabago lang yan one day before the upcat exam. haha.
Ang mga sikat lang kasi U.P L.B, U.P Manila, U.P Baguio, U.P Cebu... Pero ang Pampanga? NO WAYY!!!
parang sinabi na lang din sayo na hindi anak ni Gabby Concepcion si KC (at kung pano napasok dito ang mag-amang yun ay hindi ko alam.) Kaya sa susunod na makakita ka ng estudyanteng enrolled sa U.P Pampanga, wag kang matakot. Hindi sila kathang isip lamang:)

Psychology ang course ko sa mahal kong paaralan. as if naman may choice kasi di ba? Tatlong kurso lang ang offered don. Business Management at Business Economics. at kung personal mo kong kakilala at alam mo ang mga grades ko sa math, alam mo na siguro kung bakit Psych ang kinuha ko. Tama. Psych. Hindi PSYCHO. Magkaiba yun. Marami na rin kasi akong nakakasalimuha na PSYCHO ang tawag sa psych. shet.

NAKAKASALIMUHA: ''PSYCHO ang course mo di ba?''

AKO: ''huh? ah. opo. PSYCH nga po''

NAKAKASALIMUHA: ''ah...so mahirap ba ang PSYCHO?''

AKO: ''okei lang naman po.. *malapit na maiyak*

NAKAKASALIMUHA: ''oh sha, pagbutihan mo ang PSYCHO ha?''

AKO: ''psycho ka ba?'' *tuluyan ng lumuha*


at ayun na nga, wala na nga akong nagawa kundi ang lumuha.huhu.
(pero shempre, hindi pwede. mababasa ang keyboard.)

at kung masugid kang fan ng friendster ko (ang hangin!!), malamang sa malamang ule, napansin mong DIANNEtic pangalan ko dun. ang dahilan? wala. isang malaking PAUSO...
joke. Galing yun kay Eli Buendia. kanta nila yun di ba? Asawa nya kasi, Diane ang pangalan. Kaya yung kantang yun, parang dedicated sa kanya. hmmm....kelan ko kaya mahahanap ang ELY ko? (bumabanat pa..pasensha..hehe.).


tulad nga ng nasulat ko na sa profile ko na hindi ko naman natapos dahil nadetect ata ni Smart Bro ang pagnanakaw namin ng mbps, taga Bulacan talaga ako. Pero nag-fifeeling na taga-QC. Ang lagi ko pang linya, ''sa bulacan ako, pero qc na rin. isang tulay lang ang pgitan samin ng Caloocan''-
oha. kahit ako na-labu-an sa sagot ko. QC pero Caloocan?!!
Tapos kapag nagtatanong namn sila ng mas specific na lugar sa Qc, sasabihin ko sa lagro ako. Pag sa Bulacan naman, wala. ngingiti lang ako. Sabay iibahin ang topic. ganyan ako katino kausap.

Pero matino talaga ako kausap. hehe. *nagmamakaawang maniwala ka*
oo. kahit ano lang siguro, pwede pag-usapan. Pero binabalaan kita, baka isipin mo madaldal ako at masapawan kita kapag ngkwento ka na..hindi naman. Wala pa nga akong mashadong nakkwento di ba?
(at sino ang ginago ko?)
Brief History palang yan. Yung mga anek-anek na detalye, chaka na...


Kapag close na tayo...

:)


(gusto ko pa sana magkwento ng madami, kaya lang takas lang ako, tapos di ko pa tapos paper ko, tapos ang INET DITOOO!!! hindi ako maka-concentrate. tapos, ayun nga, hindi pa tayo close eh. hehe)



Saturday, September 20, 2008

foreword.

oo. may buhay ako sa labas ng friendster.



kelan ko lang yan narealize. kahapon yata...


akala ko kasi dati, iikot na ang buhay ko kay Allan Smith, (founder ng friendster ayon sa mga fake na forwarded messages na nagsasabing i-cacancel daw ni Allan Smith friendster account mo kapag hindi ka ng-OL ng tatlong buwan. One word: JOKE TIME .) yung tipong sasaya na ko sa piling nya. Lahat ng nangyayari sa buhay ko, sige lagay lang. Kung gano ka-epal yung lintek na prof sa zoo dahil sa unti-unting paglango nya samin sa formalin, kung gano "ka-saya" ang field trip namin sa ocean park na hindi ko alam kung bakit field trip ang tawag dun, kung gano ko sinumpa si Shawie at ang ka-laguyo nya na si Chris sa pagpapaligo sakin ng sinco, kung gano ko pinandirian yung isang contact ko dahil sa pAgtAtAyp pOeh nYa sA gAniTong pArAan..*sign of the cross*, at kung gaano ako ka-bitter ocampo kay Pierre. (malalaman nyo rin kung sino siya. antabay lang, okei? wag excited.)

Actually, matagal ko na 'tong plano. Sabi kasi nila, pwede daw kumita sa blog. Halata ba na hanggang dito ay matindi pa rin ang pangangailangan ko? Sabi naman ni Mike, pwede kang kumita ng kaligayahan dito. Hindi ko alam ang ibig sabihin nya sa salitang "kaligayahan". Napangiti na lang ako. Sya rin, napangiti. Yung kakaibang ngiti. Yung may meaning na ngiti. ayun. na-inspire tuloy ako. Ow shiyeht. Official blogger na ko! woohoo!

Mukang mas masaya kasi magsulat ng anek-anek dito. Yung tipong walang mag-aappear na "Your bulletin/ shout out can not be posted because it contained censored words not suitable for young viewers. Parental guidance is recommended". Ayos noh? Kulang nalang sabihin sa'yo, " hoy! pinag-aral ka ba ng matino ng mga magulang mo? san at kelan ka pa natutong magmura, ha? sagutin mo ko! Pakshet ka! " Buti na lang, hindi marunong mag-tagalog si Allan Smith. Kundi, yari tayo ng bonggang bongga.

Hindi ko na rin kelangan mag-english dito. (Teorya ko lang yun. Pwedeng maniwala. Pwede ring hindi.) Oo. tingin ko kasi, dapat sa friendster lang magmayabang. hehe. Dun kasi yung mas malaking chance na ma-view ng nanay mo, proff mo, boss mo, o kaya boss ng nanay mo, dean nyo sa school, parish priest, crush mo, karibal mo sa crush mo at kung sino pa na pwedeng ma-pamura kapag nabasa ang literal na kadugo-dugong About Me sa fs mo. Eh dito, steady lang. Parang unwritten law na bawal mag-english. Para lang yata yun sa mga nagbebenta ng mga bag, sapatos, wallet, bracelet, relos, tasa, kurtina, sinulid, patis, toyo, ketchup at tissue. Pero kung baog na baog ka na sa bahay mo at rinding rindi ka na sa kakarinig ng "hi, pangga! may energy ka ba?" dahil favorite station yun ng tatay mo(tulad ng kaso ko ngayon), tagalog lamang ang dapat gamitin. O kaya Latin.

Pero joke ko lang yun. Dahil feeling ko, kapag nagpaka-bitter nanaman ako, baka gamitin ko ang salita ni Allan Smith. Para formal ang pagsasabi ng bad words. Hindi mukang cheap.

Basta, ngayong napatunayan kong may buhay sa labas ng friendster, go go go na to. Wala ng urungan. Laban kung laban.
*Backgrong song: Theme song ng Voltes V*




P.S: gusto ko magpasalamat kay Smart Bro, ilang bwan na kaming disconnected, pero may net pa ren. at nagagalak ako dahil sa tamang katanagahan na ito.




P.P.S: Sana walang crew ng Smart Bro na makabasa nito, yari. Mabubunyag sikreto namin.
*big grin*